How did Jennylyn feel about working with Mark again?
"Yung first scene namin ni Mark, medyo nanibago rin po ako dahil matagal nga akong hindi umarte. Pero sa simula lang po ‘yon dahil nandoon naman si Mark. Ever since, appreciated ko po talaga ang mga ginagawa sa akin ni Mark."
And how did Mark feel about working with Jennylyn again?
"Still the same po, comfortable naman kami agad," sagot ni Mark, at nagkuwento: "Sa Heritage Park po sa Taguig ang first scene namin. Sa story po kasi, laging dinadalaw ni Toni [Jennylyn] ang puntod ng namatay niyang boyfriend. Ako naman, as Alex, naroon din dahil ipinaaayos ko ang nitso ng mother ko."
"May ugali si Toni na binibigyan niya ng flowers iyong mga puntod doon kaya kami nagkakilala and later on, nagkamabutihan kami. Ang problema ko sa kanya, tuwing magkasama kami, ikinu-compare niya ako sa dati niyang boyfriend. Yun po ang problema na ipinadala namin sa Dear Friend."
Jennylyn is busy with her comeback and not thinking at all about Patrick Garcia as she will star in next month's installation of Obra. But has Jennylyn and Mark's chemistry changed since she's come back?"Mas nakakaarte na kami nang tama ngayon!" says Mark. "Noon kasi, kapag may tampuhan kami, hindi kami mapaarte ng maayos. Nag-aaway kami, kaya may isang ayaw magtrabaho ng tama ‘tapos may isa pang nang-aasar. Malaki ang problema ng staff sa amin kasi mga bata pa kami noon kaya ang hirap naming sumunod. Pasaway talaga kami ni Jen noon kapag nag-aaway kami. Pati trabaho namin, apektado."
"Ngayon, tapos na ‘yon dahil nag-mature na kami ni Jen. ‘Tsaka may kanya-kanya na kaming buhay ngayon. Kaya yung makatrabaho na lang namin ang isa't isa ay malaking bagay na for us."