Tatlong kontinente ang inabot ng shooting nina Jolina Magdangal, Rufa Mae Quinto, Dennis Trillo, Eugene Domingo, Mark Herras at Rhian Ramos para sa pelikulang I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You).
In a press release sent to PEP (Philippine Entertainment Portal), ang tatlong continents na pinuntahan ng cast and crew ng latest GMA Films project na ito ay Europe, Africa, at Asia.
Nagsimula ang shooting with the cast and crew traveling from the Philippines to Amsterdam, then to Milan, both by plane. Pagkatapos na mag-shoot ng mga eksena roon ay nag-train naman sila from Milan to Genoa and stopping at Venice to shoot again. Then, boarding a train again, they went to Savona; dito nakadaong ang giant Italian luxury ship, Costa Magica, kung saan nag-shooting pa sila.
Pumalaot ang cruise ship sa Naples at Palermo, Italy, then to Tunisia in Africa, Palma de Mallorca and Barcelona in Spain, at Marseilles, France. Ang huling stop ay sa Rome. Gumamit din ang I.T.A.L.Y. ng Italian actors. The rest of the shoot will be here in the Philippines.
"FIRSTS" IN PHILIPPINE MOVIES. Ayon sa press release, ang pagsu-shoot sa tatlong kontinente at sa giant luxury ship, at pag-hire ng Italian actors for the movie ay pawang mga "first" sa Philippine movie making. Ito na rin daw marahil ang grandest project ng GMA Films.
All praises si Jolens sa kanilang direktor na si Mark Reyes, who highlighted not only the scenic spots but also the most unlikely corners of each location.
"Very realistic ang approach ni Direk Mark dahil ipinapakita niya pati yung mga suluk-sulok at eskinita ng mga locations namin. Kaya tuloy mapi-feel ng mga manonood yung totoong characteristic ng isang lugar at yung mood namin sa story," 'ika ni Jolina sa press release.
GRATEFUL JOLENS. Grateful si Jolina sa GMA Films for pushing through with the movie, kahit na nag-pull-out ang original na leading man niya sa movie na si Gabby Concepcion. Grateful din daw siya kay Dennis for accepting the role na iniwan ni Gabby, kay Rufa Mae and Eugene for joining the cast, at kina Mark at Rhian na nakatrabaho na rin daw niya in the past.
Malaki rin ang pasasalamat ni Jolens sa GMA Films executives na sina Annette Gozon-Abrogar at Joey Abacan for being hands-on sa proyektong ito, kay writer Senedy Que sa pag-develop ng story which highlights the working condition and sentiments of OFW's working in a cruise ship, at kay line producer Elaine Lozano who faced a daunting task doing a project in unfamiliar places.
Kahit na may minor problems at last-minute changes, maganda pa rin daw ang naging takbo ng shooting ng I.T.A.L.Y. at nakumpleto ang mga eksena ayon sa schedule.
Direk Mark credits this to the professionalism of his actors, "Maganda ang composition ng cast dahil professional lahat, walang nag-inarte at nag-primadona. Kahit mahirap ang trabaho, pinagaan ng magandang samahan." PEP
- Ogie Alcasid's wild days are over, can't cheat on darling Regine
- "Firsts" in Philippine movies seen in "I.T.A.L.Y."
- Iwa Moto has no problem being second choice for her role in "Magdusa Ka"
- Toni Gonzaga overwhelmed by fans' support in "Catch Me If You Can, The Repeat"
- Katrina Halili leaves sexy contravida roles to Iwa Moto
- Sam Concepcion to sing "Kung Fu Panda" theme song
- Anne Curtis says higher talent fee after her first box-office hit is not yet her due
- Katrina Halili ignores talks that she directly asked GMA-7 for her role in "Magdusa Ka" HOT
- Dennis Trillo in afternoon soap is okay for him to avoid overexposure in primetime
- Regine Velasquez signs exclusive contract as a Kapuso star
- Dennis Trillo takes on more daring role in GMA-7 remake of "Magdusa Ka" HOT
- LJ Reyes welcomes Hero Angeles's desire to team up with her
No comments:
Post a Comment