"If Viva will remake it, it will break my heart. Kahit sino pang artista, hindi porke anak ni Robin. It will break my heart, because Dear Heart is... That's one in a lifetime thing," says Sharon Cuneta.
After the presscon ng Caregiver ng Star Cinema kagabi, May 14, sa Studio 1 ng ABS-CBN, pumayag si Direk Chito Roño na mag-stay pa ng ilang minutes si Sharon Cuneta para ma-interview ng entertainment press kahit may shooting pa ang Megastar ng ilang eksena nila sa pelikula.
Maraming sinagot na mga katanungan si Sharon tungkol sa Caregiver, ang pagse-celebrate niya ng 30th year sa show business, at pati na ang tungkol sa ex-husband niyang si Gabby Concepcion kahit na may pakiusap na before the presscon na wala na sanang questions about Gabby.
"DEAR HEART" REMAKE. Isa sa itinanong kay Sharon ay tungkol sa napabalitang paggawa ng movie ng eldest daughter ni Robin Padilla na si Queenie sa Viva Films. Ang unang pelikula raw na gagawin ni Queenie ay ang remake ng Dear Heart, na kauna-unahang pelikula ni Sharon opposite Gabby.
"Ngayon ko lang nalaman na si Queenie ang gagawa nun," nagulat na sabi ni Sharon. "Pero ayoko pa ring ipagawa ‘yon kahit kanino, kahit pa sa isang prinsesa. Si KC [Concepcion, Sharon's eldest daughter] lang ang may karapatang gumawa nun. Pero she's 23 na, kaya hindi na rin puwede, and it upsets her. I was only 15 nang gawin ko ‘yon. Kung gagawin ang Dear Heart you have to create a unique kind of magic for this generation.
"Ang ganda-ganda namang bata ni Queenie and, of course, I love Robin. Ang tawagan nga namin niyan, ‘kambal,' because we're very similar. Of course, Robin is very smart... I'm not saying I'm smart, pero ‘yong jokes niya, whenever we see each other, it always synch. Hindi lamang talaga nag-synch ‘yong mga balak niya sa buhay sa mga balak ko naman sa buhay ko. Who's gonna make the remake daw?"
Sinabi sa kanya na ang dating niyang home studio na Viva Films ang mag-remake nito.
"If Viva will remake it, it will break my heart. Kahit sino pang artista, hindi porke anak ni Robin. It will break my heart, because Dear Heart is... That's one in a lifetime thing," pagtatapat ni Sharon.
Matatandaang hindi rin sinang-ayunan noon ni Sharon ang planong si Sarah Geronimo ang magbibida sa Dear Heart. Hindi na rin natuloy ang naturang plano.
Kung sina KC at Richard Gutierrez ang gagawa ng remake ng Deart Heart, papayag ba si Sharon?
"As I've said, I was only 15 nang gawin ko ‘yon and KC is now 23. Hindi na bagay sa kanya," saad ng Megastar.
Biro ng ilan, hihintayin na lang ba ng Viva Films ang anak niyang si Frankie para matuloy ang remake ng Dear Heart?
"Hindi rin, wala naman siyang koneksiyon sa tatay nun!" natatawang wika ni Sharon. Si Frankie ay anak ni Sharon sa second husband niyang si Senator Francis "Kiko" Pangilinan samantalang si KC ay anak ng Megastar kay Gabby Concepcion.
POSSIBLE PROJECTS WITH ROBIN & RICHARD. How about a project with Robin?
"My God, we've been talking about the project for two years now!" sabi niya. "Nakapag-meeting na kami ng ilang beses, but for some reasons, di pa natutuloy. Parang may laging unang nabubuong script, pero siyempre nagtatrabaho din kami, hindi naman kami puwedeng maghintay forever. Tapos dumating nga ang project na ito, ang Caregiver."
May susunod na ba siyang project aftre Caregiver?
"Yung susunod na project, pagmi-mitingan pa after we promote this movie. Ewan ko kay Tita Malou [Santos of Star Cinema]."
Totoo bang may gagawin silang movie ng dati niyang boyfriend na si Richard Gomez?
"Hindi ko pa rin alam, but those movies are set to be done," sagot niya. "But hindi ko pa talaga alam kung ano ang exact na project, kung sinu-sino talaga ang makakasama ko. So unless Star Cinema announces something, it's hard for me to say."
KC AS DARNA? Naitanong din kay Sharon kung totoong in-offer ng GMA-7 ang role na Darna kay KC para sa pagbabalik nito sa telebisyon via Captain Barbell Meets Darna, kung saan si Richard Gutierrez ulit ang gaganap na Captain Barbell.
"Yes, she's been offered," pag-amin ng Megastar. "But I'm not so sure if she is committed. What I know is that she will do the movies first, and I think that's the best decision.
"Nakakatuwa, but can I tell the truth? I guested noon in Captain Barbell [of Edu Manzano and Herbert Bautista] as Darna, because that was the intro sana to what was the full-length movie of Darna na ako na ang gaganap. So people are waiting. Pero ako na ang nakiusap na huwag nang ituloy.
"Ang hirap kasi noon, hindi katulad ngayon na maganda ‘yong mga harness na ginagamit. Noon, four days lang akong nag-shooting as guest, napakasakit talaga sa katawan ‘yong mga bakal na pinagsasabitan sa akin. Bakal as in bakal talaga, kaya hindi ko na ginawa!" natatawang pagtatapos ni Sharon.
- Sharon Cuneta still against "Dear Heart" remake HOT
- TV Ratings: "Dyesebel" charms nationwide audience but ABS-CBN still dominates NUTAM contest
- Bianca King takes her villain role in "Dyesebel" seriously
- Manila's acting mayor Isko Moreno still has time for showbiz
- Rica Peralejo once got marriage proposal from a stranger in London
- FIRST READ ON PEP: Vince del Rosario and Inah Revilla will live in a P10-million condo unit after their wedding HOT
- FIRST READ ON PEP: Inah Revilla's future father-in-law debunks intrigues against his non-showbiz family HOT
- Sharon Cuneta cannot get away from questions involving ex-husband Gabby Concepcion HOT
- Piolo Pascual and Sam Milby drop libel case against Lolit Solis HOT
- Singer Gian Magdangal talks about his newborn baby with Sheree
- John Estrada finds working with Sharon Cuneta a "wonderful experience"
- Makisig Morales gets an iPod from the Megastar
No comments:
Post a Comment