What did Marian have to say about the intrigues that Karylle is mad at her because of the breakup?
"Ano po ba 'yan? Pagkatapos na sabihin nilang umiyak ako nang i-push daw ako ni Ara Mina, ngayon naman si Karylle? Masyado naman po nilang pinalaki ang issue samantalang in-interview lang ako ni Karylle.
"After po ng SOP, nilapitan ako ni Karylle, kung puwede raw niya akong ma-interview kasi may susulatin siyang article at pumayag naman ako. Umakyat pa nga kami sa itaas kasi masyado pong maingay kung doon kami sa dressing room mag-uusap. Kasama ko pa si Momsy [her manager Popoy Caritativo] noon.
"Tinanong ko siya [Karylle] kung ano ang gagawin niyang article, at tungkol po pala ‘yon sa pagdu-donate ng dugo. Kung papayag daw akong mag-donate ng dugo, ganoon. Pagkatapos po ng interview ni Karylle sa akin, nagpaalaman na kami at ako, umuwi na sa condo ko, kasama si Momsy. Kaya bakit po naman ako iiyak pagkatapos ng interview? Nakakatawa naman!" said Marian.
No comments:
Post a Comment