Tuesday, October 14, 2008

Katrina Halili in Miss X

Katrina Halili Amsterdam-bound for "Miss X"

Katrina Halili: "Kailangan by November makapunta na kami roon kasi sobrang malamig na raw sa Amsterdam by January. E, ang costume ko pa naman sa Miss X, mga sexy, mga two-piece at maninipis, e, lamigin pa naman ako. Ngayon daw okey ang weather doon at ‘di masyadong kalamigan, kaya this coming November, tuloy ang shooting naming," announces Katrina Halili.

Masayang binalita ni Katrina Halili sa press launch ng Gagambino sa Studio 3 ng GMA-7 compound na tuloy ang paglipad niya for Amstersdam para sa shooting niya ng Miss X this coming November.

Inaayos na nga raw ni Katrina ang kanyang mga schedules para hindi magkaroon ng problema habang nagsu-shoot sila ng Miss X. Mga two to three weeks din daw sila roon at excited na si Katrina dahil first time niyang makagawa ng pelikula sa labas ng bansa.

"Noong sinabi sa akin, natuwa ako kasi akala ko next year na kami magsisimula pero sinabi sa akin na kailangan by November makapunta na kami roon kasi sobrang malamig na raw sa Amsterdam by January.

"E, ang costume ko pa naman sa Miss X, mga sexy, mga two-piece at maninipis, e, lamigin pa naman ako. Ngayon daw okey ang weather doon at ‘di masyadong kalamigan, kaya this coming November, tuloy ang shooting namin."

Nabanggit din ni Katrina na malapit na siyang matapos sa shooting niya sa One Night Only for Canary Films at magkaroon lang ng additional na eksena para sa pelikulang Sundo ng GMA Films.

"Mabilis kaming matatapos sa One Night Only. Halos every day kasi kami nagsu-shooting at mabilis talaga si Direk Joey Reyes. Sa Sundo naman, tapos na talaga ang mga eksena ko, pero magkakaroon yata ng re-shoot or additional na mga eksena si Direk Toppel Lee kaya may shooting sked ulit ako for GMA Films.

"Hindi ko lang sure kung kelan ipapalabas. Unang narinig ko ay baka raw early next year pero dahil nandito na si Robin [Padilla], baka November na ang showing. Yung One Night Only sa December iyon for the Metro Manila Film Festival. Kaya magkakasunod ang mga pelikula ko before the end of 2008."

KAT'S INSPIRATION. Nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Katrina tungkol sa ka-M.U. niyang si Kris Lawrence, sinabi nito na wala raw ngayon sa bansa si Kris at nasa U.S.A. daw ito. Constant naman daw ang communication nila kaya hindi raw niya ito nami-miss.

"Madalas kami mag-webcam kaya nagkikita kami parati. Okey naman si Kris at nami-miss ko ang physical presence niya. Siyempre, iba yung nandito siya na katabi mo kesa sa nakikita mo lang siya sa computer monitor, ‘di ba?"

"Inspiration" nga ang tawag ni Katrina kay Kris. Kapag may tinawag daw siyang gano'n, ibig sabihin ay importanteng tao ito sa buhay niya.

"Hindi lahat ng guys na naging close sa akin ay tinatawag ko na ‘inspiration.' Kapag natawag ko na siya na gano'n, something special iyon. Kaya special si Kris sa akin ngayon.

Anyway, gagampanan pala ni Katrina si Lucy ang isa sa dalawang leading ladies ni Dennis Trillo sa bagong telefantasya ng GMA-7 na Gagambino. PEP

No comments:

Post a Comment

 

FREE HOT VIDEO 1 | HOT GIRL GALERRY 1

FREE HOT VIDEO 2 | HOT GIRL GALERRY 2

FREE HOT VIDEO 3 | HOT GIRL GALERRY 3

FREE HOT VIDEO 4 | HOT GIRL GALERRY 4

FREE HOT VIDEO 5 | HOT GIRL GALERRY 5

FREE HOT VIDEO 6 | HOT GIRL GALERRY 6

FREE HOT VIDEO 7 | HOT GIRL GALERRY 7

FREE HOT VIDEO 8 | HOT GIRL GALERRY 8

FREE HOT VIDEO 9 | HOT GIRL GALERRY 9

FREE HOT VIDEO 10 | HOT GIRL GALERRY 10

FREE HOT VIDEO 11 | HOT GIRL GALERRY 11