"Masayang-masaya ako. Sobra talaga! Akala ko ako yung magsu-surprise sa kanila, e," mangiyak-ngiyak na sabi ni Angel sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Ano sana ang plano niya na sorpresa?
"Hanapin nila ako ng alas-dose sa set? ‘Tapos gugulatin ko sila, ‘Taran! Happy birthday to me!" sabay tawa ni Angel.
Hindi ba siya nakaramdam na may binubuong sorpresa sa kanya ang staff ng Lobo?
"Ang alam ko, nire-ready kasi ako ni Direk Eric [Reyes] para doon sa susunod na eksena namin. E, medyo heavy yun. So, naka-prepare na ako, di ba? Pag-akyat namin dito, ‘Ah, okay, ano'ng nangyayari? Bakit nakapatay ang ilaw?' Tapos may mga sapatos akong nakikita, maraming sapatos. Tapos kulay pink yung table. Ayun, medyo umatras na ako. Kinabahan na ako kasi ang alam ko, eto na nga ‘yon.
"Natuwa talaga ako lalo na yung boys ko, yung sa technical group. Na-touch talaga ako kasi nag-chip in pala sila dun sa cake. Tapos ay gumawa sila na kanta na ‘Happy birthday Angel. We love you...' Ganun. Ang laking bagay nun sa akin kasi hindi natutulog yung mga ‘yon, e. Adik yung mga ‘yon [sa trabaho], tapos naisip pa nila... Ibang ano, parang masaya lang ako kasi yung mga boys ko... Ang dami kong boys, di ba?" masayang kuwento ng young actress.
Totoo ba na first time niyang magkaroon ng ganitong asalto on her birthday?
"Hindi," sagot ni Angel. "Alam mo naman ako, work, work kiti-work, di ba? Meron naman, pero hindi yung ganito sa taping, ganito kabongga. Nandito pa lahat, pati yung friend ko from London... Yeah, pumunta siya rito. Nakakatuwa."
Anong gift ang gustong matanggap ni Angel sa kanyang kaarawan?
"Cheeseburger? Joke! Hindi ko alam, e. Peace of mind. Okey na ako, e," kasunod ang makaluhugang tawa muli ni Angel.
Sa birthday celebration ni Angel sa ASAP'08 last Sunday, April 20, marami ang humanga at pumuri sa dance number niya. Pero marami raw siyang nakalimutang pasalamatan.
"Marami sila kasi sobrang taranta ko kasi," banggit ng young actress. "Kung napansin ninyo, ang una kong hinanap tubig. Yung Lobo family ko hindi ko sila talaga nabanggit. Si Direk Eric, si Direk Cathy [Garcia-Molina], Direk Jerry Sineneng...ang dami! Pati si Georcel na nagturo sa akin ng sayaw, hindi ko talaga napasalamatan sa tensiyon ko." PEP
No comments:
Post a Comment