Tuesday, October 14, 2008

Polo Ravales dating "Gobingo" girl Krissa Mae?

Polo Ravales and former "Gobingo" girl Krissa Mae deny report that they were seen dating

"It was not a date, tinulungan lang talaga ako ni Polo and his mom to look for a place and I'm very grateful. First taste of intrigue ko ito, pero okey lang kung may mga susunod pang intriga. This is showbiz," says Krissa Mae about a report that she was seen dating actor Polo Ravales.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment) ang dating Gobingo girl na si Krissa Mae sa presscon ng Gagambino kagabi, October 13, sa Studio 3 ng GMA Network Center. Kasama si Krissa Mae sa naturang fantaserye, kung saan ginagampanan niya ang role ng nililigawan ni Benjie Paras, pero kay Dennis Trillo siya in love.

Medyo worried ang 19-year-old Fil-Am beauty dahil nabalitaang nili-link siya kay Polo Ravales. Mas nag-worry pa si Krissa Mae nang malamang item sina Polo at Jean Garcia, na pareho niyang kasama sa Gagambino.

In Taglish, in-explain ni Krissa Mae kung bakit nakita silang magkasama ni Polo sa Pier One Morato noong Sunday, October 12.

"Nakuwento ko kay Polo that I'm looking for a place to rent dahil mahal at P30,000 ang nire-rent kong bahay ngayon. May nabanggit siyang townhouse na malapit sa house nila and less ang rent sa place ko ngayon. Niyaya niya akong tingnan ang place, pero ang mom niya ang sumama sa akin.

"After that, tumawag siya at niyaya ako kung gusto ko raw mag-join sa kanila ng friends at cousins niya. Alam niyang nalulungkot ako dahil nasa States ang parents ko at pinsan ko lang ang kasama ko rito, kaya sumunod ako sa Pier One. We were 15 that time, paano naging date yun? Kaya nagulat ako sa isyung lumabas kami. Walang malisya yun," mahabang paliwanag ni Krissa.

Is she aware that Polo is seeing Jean?

"Hindi ko alam," sagot niya. "Bago lang ako sa showbiz at marami pa akong dapat malaman. But it was not a date, tinulungan lang talaga ako ni Polo and his mom to look for a place and I'm very grateful. First taste of intrigue ko ito, pero okey lang kung may mga susunod pang intriga. This is showbiz."

Unang napanood sa Gobingo si Krissa Mae, na pumirma ng three-year exclusive contract sa GMA-7. Nakasaad sa kontrata niya na bibigyan siya ng minimum of two big projects a year at kasama roon ang Gobingo at Gagambino.

Si Krissa Mae ay naging Miss USA/Philippines noong 2007. American ang ama niya at may dugo rin siyang German at British. Pure Pinay naman ang ina niya na nag-insist na dapat siyang matuto ng Tagalog. Ito ang rason kung bakit diretsong mag-Tagalog ang 5' 8" beauty.

Black belter sa taekwondo si Krissa at magaling din sa nunchaku. "Marunong din ako ng jazz, ballet, and tap dancing. I sing, I play the piano, at nag-compete rin ako sa Latin ballroom," litanya ni Krissa Mae sa napakarami niyang talents.

POLO'S SIDE. Kinuha rin ng PEP ang side ni Polo sa diumano'y "date" nila ni Krissa Mae.

"Hindi date yun," paglilinaw ni Polo. "Nagkataong magkasama kami sa Gagambino at nag-taping kami ng All Star K! at nakuwento niya ang problema niya. Mahal ang rent niya sa place niya at dun lang napupunta ang suweldo niya.

"Sabi ko, tutulungan ko siyang maghanap ng place na mas mura ang rent dahil sayang ang kinikita niya. Pinasamahan ko siya sa mom ko, hindi nga ako sumama. After that, nag-thank you siya sa akin at nabanggit na nabo-bore siya dahil wala siyang kilala, sabi ko pumunta siya sa Pier One. Hindi ko akalaing magiging isyu yun, na bibigyan nila ng ibang meaning," pahayag ng aktor.

Isa sa ikinairita ni Polo sa isyu ay dawit ang relasyon nila ni Jean Garcia at pinapalabas na babaero siya.

"I don't have to defend myself, basta ako tumulong lang. Hindi ko naman alam na bibigyan ng malisya. Actually, ayokong lumaki ang isyu at ayokong pagmulan ng away. Ayoko ring isipin ng tao na chickboy ako. Masama bang tumulong? Masama bang makipagkaibigan? Gusto ko lang tumulong kung kakilala ko rin naman," saad niya. PEP

No comments:

Post a Comment

 

FREE HOT VIDEO 1 | HOT GIRL GALERRY 1

FREE HOT VIDEO 2 | HOT GIRL GALERRY 2

FREE HOT VIDEO 3 | HOT GIRL GALERRY 3

FREE HOT VIDEO 4 | HOT GIRL GALERRY 4

FREE HOT VIDEO 5 | HOT GIRL GALERRY 5

FREE HOT VIDEO 6 | HOT GIRL GALERRY 6

FREE HOT VIDEO 7 | HOT GIRL GALERRY 7

FREE HOT VIDEO 8 | HOT GIRL GALERRY 8

FREE HOT VIDEO 9 | HOT GIRL GALERRY 9

FREE HOT VIDEO 10 | HOT GIRL GALERRY 10

FREE HOT VIDEO 11 | HOT GIRL GALERRY 11