
Finally done with her marriage to co-actor Ramon Christopher, Lotlot de Leon addressed her parents, Nora Aunor and Christopher de Leon, on the sad turnout of her marriage. "I never wanted to be a disappointment to my parents and they know that I tried," said Lotlot to The Buzz host Boy Abunda when she sat as studio guest yesterday, May 4.
MAKING PEACE WITH MAMITA. Si Lotlot naman ay muling nagpahayag ng kanyang saloobin regarding sa hatol ng korte. Naiintindihan din daw niya kung sakali mang maging malungkot ang mga anak nila ni Monching ngayong pormal na ang kanilang hiwalayan.
"Siyempre mahirap 'yan para sa mga bata kasi nga ako ilang taon akong, kahit noong medyo teenager na ko, nag-i-expect pa rin ako na sana maging maayos na ‘yong daddy [Christopher de Leon] ko at mommy [Nora Aunor] ko pero you come to realize na they're better off apart and they deserve so much more," paliwanag ni Lotlot kay Boy Abunda ng The Buzz.
Bagama't pinilit ni Lotlot na hindi umiyak ay bumigay din ito ng tanungin ni Boy kung may kinikimkim ba itong sama ng loob kay Pilita.
"Hindi po ko galit sa kanya," sagot ng aktress kasabay ng pagbagsak ng luha nito.
"Nasaktan lang talaga ko kasi umalis ako ng bahay na walang dala. Umalis ako limang daan ang pera ko, P500, I rented a house, ang kasama ko si Matet. Nangutang ako kay Tita Angge and para sabihin na, siyempre, I practically grew up with Mamita [Pilita Corrales's nickname] and I know that whatever she says is because she loves Monching very much and that I respect. Sino ba ang hindi magmamahal na ina sa anak?" patuloy nito.
Inamin ni Lotlot na labis siyang nasaktan sa mga binitawang salita ng dating biyenan at sa mga pag-aakusa diumano nito sa kanya noong kasagsagan ng separation nila ni Monching.
"I was expecting, since I was married to Monching for 13 years, kahit papaano kilala niya ako bilang tao at para marinig ko from her na nanlalaki ako o gusto kong mag-asawa ng mayaman, masakit para sa akin ‘yon," kumpisal ni Lotlot.
"But you know I have learned to move on, I have learned to accept the fact na mahal na mahal lang talaga niya si Mon. And because of that and because of the love that she gives my children, okay na sa kin ‘yon, ‘di bale na ako, okay lang ako, kaya ko naman e, okay lang."
Nilinaw ni Lotlot na wala siyang balak na pumasok ulit sa intriga lalong-lalo na ang kalabanin si Pilita in public, "It's just that para lang din siguro maintindihan ninyo why it pains me na naging ganoon ‘yong relasyon ko with Mamita.
Pero naniniwala pa rin si Lotlot na maaayos din ang lahat sa kanila ni Pilita. May panahon naman daw para sa lahat, 'ika nga ng aktres, "In God's good time."
No comments:
Post a Comment